Bawat Bata
7.10.09
Ang bawa’t bata sa ating mundo ay may pangalan, may karapatan. Tumatanda ngunit bata pa rin ang bawa’t tao sa ating mundo. Hayaan mong maglaro ang bata sa araw. Kapag umuulan nama’y magtatampisaw. Mahirap man o may kaya. Maputi, kayumanggi. At kahit ano mang uri ka pa, sa ‘yo ang mundo pag bata ka.
Ang bawat nilikha sa mundo’y minamahal ng Panginoon. Ang bawat bata’y may pangalan, may karapatan sa ating mundo. Hayaan mong bigyan na lang ng pagmamahal katulad ng sinadya ng Maykapal. Mahirap man o may kaya. Maputi, kayumanggi. At kahit ano mang uri ka pa, sa ‘yo ang mundo pag bata ka.